|
1. Isang pagkapari kay
Kristo.
Sa pamamagitan ng binyag and mga babae at lalaki ay parehong bahagi
sa bagong pagkapari ni Kristo. Kasama dito ang ang pagiging bukas sa
sakramento ng Holy Orders. click!
2. May kapangyarihang
magpasimuno.
Sa Huling Hapunan parehing binigyan ng kapangyarihan ni Hesus ang mga
babae at lalaki. Pareho silang pwedeng ordinahin at magselebra sa Misa.
click!
3. Problemang Kultural
Ang gawain ng Simbahan na hindi pag-oordina ng kababaihan bilang pari
ay batay sa tatlong maling pag-iisip sa mga kababaihan. Nakaapekto ito sa
desisyon ng mga lider ng Simbahan. click!
4. Ang mga babae ay naging
diyakono na Hanggang sa ika-siyam na siglo binigyan ng Simbahan ng buong
sakramental na ordinasyon bilang diyakono ang mga kababaihan.
Nagpapatunay ito na pwedeng ordinahan ang mga kababaihan.
click!
5. Ang kakayahan ng mga
kababaihan na ma-ordinahan ay dati nang bahagi ng nakatagong Tradisyon
ng Simbahan. Isang halimbawa nito ang matagal nang debosyon kay Maria bilang Pari.
Ipinapakita nito na, kay Maria, nalagpasan ang pagpigil sa pag-ordina sa mga
kababaihan, batay sa sense of the faithful. click!
6. Tanggap ng mas malawak
na Simbahan ang mga paring kababaihan
Pagkatapos ng seryosong pag-agaaral at dasal, ang ibang mga
Kristiyanong Simbahan ay nag-oordina na ng mga kababaihan. Kahit na hindi
tanggapin ng Simbahang Katoliko ang lahat ng ginagawa ng ibang Simbahan ang
nagsasanib na pagsang-ayon ng mga Kristyano ay nagpapatunay na ang pag-oordina
ng mga kababaihan ay ayon sa isip ni Kristo. click!
7. Ang mga babae ay tinawag
ding maging pari. Ang katotohanan na maraming responsableng babaeng Katoliko ang
nakakapagnilay ng bokasyon sa pagpapari ay isang simbulo ng Espiritu Santo na
hindi natin pwedeng isawalang bahala. click!
Konklusyon: Walang balidong
argumento laban sa babaeng pari at may maraming tunay na Katolikong argumento
para dito! |